NANGGAGALAITI si Blake dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga mandirigmang bampira. Pagkatapos ng pagkamatay ng mga similya ng embareon, mga kasal at mandirigman naman. At nang gabing iyon ay nalaman niya na may namatay na embareon sa lungga mismo ng mga ito. Pinatawag na siya ng hari. Inis na inis siya. Bakit nangyari pa iyon gayong bukas na ang kasal niya? Pinakilos na niya ang mga opisyales upang imbestigahan ang insidente. Naniniwala siya na hindi pandemiya ang nangyari. Mayroong lapastangang sumisira sa kanila, natitiyak niya iyon. Yumukod siya sa harap ng hari. Galit na galit din ito dahil pati ang tatlong asawa nito ay namatay matapos makainom ng dugo. Mabuti na lang hindi pa nakainom ng dugo ang hari. Pansin kasi niya na hindi apektado ang mga hybrid na bampira katulad niya.