Chapter Sixty

2866 Words

PAGBALIK ni Alona ay hindi pa rin nawawalan ng bisa ang mahiwagang binhi ni Jack. Hinahanap siya ng dalaga. “Narito ako, Alona,” sabi niya. Nasa likuran siya ng dalaga. “Bakit hindi kita nakikita?” tanong nito habang pagala-gala ang tingin. “May ginamit akong mahika,” turan niya. “Mahika?” “Oo. Maupo ka sa kama.” Umupo naman sa gilid ng kama ang dalaga. Tinabihan niya ito sa gawing kaliwa. Nakaharap ito sa kanya. Kinapa siya nito. Nahawakan nito ang kanang braso niya. “A-anong kailangan mo sa akin? Sino ka ba talaga?” balisang tanong nito. “Katulad ng sinabi ko, ako ang kasintahan mo. Nabura lang ng hipnotismo ang iyong alaala ngunit maari pang maibalik oras na mawala ang epekto ng hipnotismo,” paliwanag niya. “Hindi ko pa rin maintindihan. Bakit ka pala narito? Paano kanakapasok

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD