NARINIG ni Jack sa usapan ng ibang panday na dumating umano sa palasyo ang hari ng ibabang mundo. Si Haring Demetre iyon. Ayon sa akda ng kanyang tiyo, ang katawan ni Haring Demetre ay nalusaw ng sumpa at kapangyarihan ng mga dyosa. Ngunit ito ay unti-unting nabubuo habang nakakakain ito ng kaluluwa ng mga mortal. Sakaling mabuo ang katawan nito, mabubuo na rin ang kapangyarihan nito. Kaya hindi maaring mangyari iyon. Pagkatapos ng trabaho ay diretso hapunan na sila. Gustong-gusto na niyang maligo matapos ang ilang oras na pahinga. Maliwanag pa kaya maari pa siyang pumunta sa batis. Maari namang magbaon ng pagkain sa kanyang inuukupang bahay kaya humingi siya sa silbidora. Kailangan niyang makausap si Emo at alamin kung nakauwi na sina Tero at Ato. Alam niya babalik pa roon si Tero upang