Chapter Fifty-eight

2095 Words

KINAGABIHAN ay lumabas ng bahay si Jack at naglakbay patungo sa kulungan ng mga bihag. Gusto niyang matiyak na naitakas na ni Tero si Ato. Lumunok siya ng mahiwagang binhi upang hindi siya makita. Nagkandaligaw pa siya. Mabuti pamilyar na siya sa ibang pasilidad. Pagdating sa piitan ng mga bihag ay marami ng nagbabantay. Humigpit na ang siguridad. Nakatakas na nga si Ato! Wala na ito sa kulungan. Narinig niya ang pag-uusap ng mga kawal mula sa ‘di kalayuan. “Paano kaya nakatakas ang dwende na iyon?” tanong ng isang lalaki. “Nakapagtataka nga. Hindi naman nabuksan ang tarangkahan. Hindi kaya gumamit siya ng mahika?” anang kasama nitong lalaki. “Ngunit bakit ngayon lang niya ginawa ang pagtakas?” Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang madaanan niya ang dalawang lalaki na nag-uusap. Pala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD