Chapter Ninety-seven

2201 Words

HINDI makapagpasya si Jack kung isasama niya pag-uwi si Alona. Ayaw siya nitong tantanan, talagang gustong sumama. Nang umagang iyon ay naroon sila sa bayan ng Lutareo. Doon din nagpakita sa kanya si Ramona, sa may batis saktong naliligo sila ni Alona. “Wala namang problema kung isasama mo si Alona, Jack, nang mapamilyar din siya sa dating mundo na kinabibilangan niya,” ani ni Alona, nang tanungin niya ito kung maari niyang isama si Alona. Tuwang-tuwa naman si Alona. “Salamat, Dyosa! Gusto ko na talagang makita ang dati naming tirahan,” anito. Napakamot ng ulo si Jack. “Pero hindi tayo mamamasyal doon, Alona, hahanapin natin si Haring Demetre,” aniya. “Alam ko. Babantayan ko na lang ang mga kapatid mo,” nakangiting sabi nito. Bumuntong-hininga siya. “Hayaan mo na, Jack, makatutulong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD