NAGPUPUYOS ang damdamin ni Sanji habang isa-isang tinitingnan ang mga nasawing elgreto na nagkalat sa lupa. Simula pa lamang iyon ng matinding digmaan ngunit halos kalahati ang nawala sa kanyang nasasakupan. Nanlulumo siya sa tindi ng emosyon. Mabuti na lang biglang lumitaw ang araw kasagsagan ng digmaan at nalagas ang mga bampira. Ngunit marami pa rin ang nasawi at mayroon ding opisyales ng Golereo, at mahuhusay na mandirigma. Iniipon na ng mga kawal sa gitna ng kapatagan ang mga labi ng namatay na mga elgreto at nakatakdang susunugin. Hindi siya kumibo nang may mabigat na kamay na sumampa sa kanang balikat niya. Naramdaman niya ang presensiya ni Vulther. “Nakikiramay ako sa lubhang pinsala ng digmaan sa iyong nasasakupan, Sanji,” sabi nito sa malamig na tinig. “Salamat, ganoon din sa