NAUNANG nakabangon si Haru kaysa kay Jack. Nanghihina pa siya at kailangan pa ng ilang araw na pahinga. Wala na siyang sugat sa labas ng katawan ngunit ang pinsala sa loob ay hindi palubusang humihilom. Nakahiga pa rin siya sa papag sa bahay-pagamutan. Naiinip na rin siya roon. Siya na lang ang pasyente na natira, palibhasa siya lang ang tao at pinakamalubha ang kalagayan. Mabilis lamang gumaling ang mga elgreto kumpara sa mga tao. Maswerte siya dahil hindi tinamaan ng espada ni Blake ang puso niya noong sinaksak siya nito. Maya-maya ay dumating si Emo. Bitbit nito ang mahiwagang salamin. Nagulat siya nang makita ang mukha ni Bert sa salamin nang iharap ito ni Emo sa kanya. “Kuya! Kumusta ka na?” nasasabik nitong tanong. “Heto, pagaling na,” turan niya. Nagagalak siya nang makita ang k