ISANG linggo lamang nanatili sa Buhay na Kapatagan si Jack. Bumalik din siya sa Golereo upang simulan ang panibagong pagsasanay. Marami rin siyang nagawa sa Buhay na Kapatagan. Tumulong siya sa paggawa ng mga sandata at tinuruan ang mga dwende kung paano ang tamang paggamit ng mga ito. Hindi kasi lahat ng dwende ay may kakayahang gumamit ng mahika. Madilim na nang makarating siya sa Golereo. Mainit pa rin ang klima, mas mainit kumpara sa normal na nararamdaman niya noon. Kaya hindi rin siya magtatagal doon. Naabutan niya’ng naghahapunan sina Sanji at Haru. “Tamang-tama ang dating mo, Jack. Samahan mo kami rito ni Haru,” sabi ni Sanji. Umupo siya sa katapat nitong silya, sa gawing kaliwa ni Haru. Kinuha niya ang nakataob na plato saka nilagyan ng pagkain. “Baka hindi mo kakayanin ang kl