Chapter Fifty-five

2039 Words

ILANG oras lang na pahinga ay nagsimula na ang pagsasanay. Napili ni Jack na kadwelo si Vulther, bagay na matagal na niyang inaasam. Naroon pa rin sila sa batis. Hindi pa gumagamit ng buong lakas si Vulther pero nahihirapan na siyang iwasan ang mga pagsugod nito. Wala muna silang sandata. Kamay at mga paa lamang ang kanilang ginagamit. “Mukhang kulang ka pa sa bilis, Jack. Matatalo mo ang lakas ko sa bilis ng pag-iwas,” sabi ni Vulther matapos siyang tamaan ng malakas na sipa nito sa sikmura. Napaupo siya sa gilid ng batis. Hanggang baywang pa ang tubig doon. Mabuti hindi siya nahulog. Kaagad din naman siyang tumayo at sumugod dito. “Heto sa ‘yo!” sigaw niya habang nagpapakawala ng magkasunod na sipa. Nasasalag ang mga iyon ni Vulther. Ang lakas ng mga braso nito na tumatabing sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD