KINABUKASAN ay inihanda na ni Jack ang kanyang mga sandata. Nag-anunsyo na si Sanji para sa takdang pag-atake sa kalaban. Nakapila na ang mga mandirigmang elgreto na pinamumunuan ni Haru. Ganoon ang senaryong naisulat niya sa nobela na malapit na sa gitnang yugto. Mukhang umaayon na sa propisiya ang ilang pangyayari, maliban sa naunang sitwasyon na hindi na mababago. Hindi naman literal na mangyayari ang bawat hibla na nakatala sa libro, isa lamang itong basehan ng propisiya. Bago ang pagsugod ng lahat, nauna si Jack kasama sina Haru at Raul at ibang lycan. Sa kanya nakadepende ang mga ito dahil taglay niya ang kapangyarihan ng mga dyosa, na makapipigil sa anumang kapangyarihan na posibleng pakawalan ni Haring Damon. Sa batis sila dumaan. Kahit may bakod na, inakyat pa rin nila ito upang

