HABANG pinagmamasdan ni Jack ang mga elgreto na abala sa paghahanda ng mga sandata, naalala niya si Peter. Sa tuwing may inaasahan silang parating na digmaan ay si Peter ang nag-aabiso na parating na ang mga kalaban. Wala nang sisigaw. Wari binubusa ang kanyang dibdib habang iniisip ang yumaong kaibigan. Pumatak ang butil-butil niyang luha. May mabigat na kamay na sumampa sa kanyang kanang balikat. Ramdam niya ang presensiya ni Haru. Sinipat niya ito. May suot na rin itong balote sa katawan at ulo. Hindi siya nagsusuot niyon. Leeg at mga balikat lamang niya ang may balote na yari sa pilak. Nasisiguro naman niya na mapuprotektahan niya ang ibang parte ng kanyang katawan. Masyado kasing mainit ang balote sa katawan at hindi niya kayang labanan ang tumataas niyang presyon dahil sa init. “Hi