ISANG araw pang nanatili sa Lutareo si Jack bago siya nagpasyang bumalik sa Golereo. Paghahandaan naman niya ang susunod niyang plano. Abala ang mga elgreto pagdating niya. Nagdagdag ng patibong ang mga ito dahil inaasahan nang mapapadalas ang pag-atake ng mga embareon. Nadatnan niya si Sanji sa silid ng mga sandata. Hindi na ata ito umalis upang maghanap ng tungkod ng dyosa. “Kumusta, Jack? Magaling ka na ba?” bungad nito ngunit hindi siya hinarap. Abala ito sa pagsasalansan ng mga espada sa dingding. “Oo, natanggap ko na ang benepisyo ng dugo ni Vulther,” tugon niya. Hinarap siya nito at sinuyod ng tingin. “Mukha nga. Ramdam ko ang iyong lakas.” Matipid itong ngumiti. Pansin niya ang tamlay ng awra ni Sanji. “May problema ba?” hindi natimping tanong niya. Bumuga ito ng hangin. “Malu