GUMUGUHIT sa papel si Jack habang nakaluklok sa lilim ng punong-kahoy. Gumagawa siya ng komiks. Nakasampung pahina na siya. Ang tagal kasi dumating ng pinsan niya’ng si Pretz. Walang pasok ang high school kaya naisip nilang mag-picnic. “Jack!” tawag ni Pretz. Nilingon niya ito. Patakbo itong patungo sa kanya bitbit ang basket ng pagkain. Mabuti pinayagan ito ng Tito Lucio niya. Bihira ito pinagagala ng tiyo niya sa palayan dahil makulit. Pareho silang katorse anyos ni Pretz pero parang bata pa rin itong mag-isip. Hinahapong huminto ito sa kanyang harapan. Inilapag nito sa inilatag niyang kumot ang basket. “Ang sakit ng mga paa ko. Ang kapal kasi ng putek sa kalsada,” angal nito. Hindi niya ito pinansin. Itinuloy niya ang pagguhit gamit ang ballpen. “Uy, alam mo ba? May kinupet akong