Chapter Forty-seven

2184 Words

SINUBUKAN kaagad ni Jack ang kanyang lakas. Nakipagduwelo siya sa malalakas na lycan. Kahit hindi magpalit ng anyo ang mga lycan ay sadyang malalakas ang mga ito. Nagiging doble ang lakas ng mga ito kapag nagiging halimaw. Si Raul ang napapayag niya sa isang duwelo. Subok na kasi niya ang lakas ni Rizor kaya gusto naman niya subukan ang iba. Mas malakas at maabilidad si Raul. Naroon sila sa kapatagan malapit sa batis. Walang sandata, lakas ng kalamnan ang labanan. Nauna siyang sumugod dito. Nasalag nito ang unang sipa niya. Mabilis din itong gumalaw at mahusay sumipa. Nang hindi ito matamaan ng kanyang mga paa ay sumugod siya nang malapitan. Mag-asawang suntok ang kanyang pinakawalan dito ngunit nasasangga nito. Ang huling dalawang suntok niya ay tumama sa dibdib ni Raul. Tumalsik ito ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD