SA bayan ng Embareo… NAGIMBAL si Celine nang mabatid mula kay Yanyan na nilusob ng mga bampira ang Buhay na Kapatagan. Dinakip daw ng mga ito ang dwende na si Ato. Marami umanong namatay na dwende. Hindi siya mapakali sa kanyang silid. Masama ang loob niya habang ginigiit na pakana lahat ni Blake ang nangyari. Ano ba talaga ang kasalanan ng mga dwende? Dati naman ay malayang nakapapasok ang mga ito sa Embareo at naging kaibigan pa ng ibang bampira. Hindi siya nakatiis, lumabas siya ng silid at hinanap si Blake. Naabutan niya ito sa bulwagan na sana ay palabas ng palasyo. Pinigil niya ito sa kanang braso. “Ano’ng ginawa mo sa Buhay na Kapatagan, Blake?” usig niya rito sa namumurong tinig. Marahas siya nitong hinarap. Nanlilisik ang mga mata nito. “Pinapatay ko ang mga dwende at winasa