NAGTATAKA si Jack bakit kailangan pa siya isama ni Oma sa silid ng mga ito, tila may mahalagang ipakikita sa kanya. Magbibilang daw ito ng ginto na kinita ng mga ito sa pagsasaka. Binuksan nito ang malaking kahon na yari sa inukit na bato. Namangha siya nang tumambad sa kanya ang sandamakmak na ginto na may iba-ibang hugis. May kinuhang itim na supot si Oma, may kabigatan. Iniabot nito iyon sa kanya. “Heto, kunin mo,” sabi nito. Nagtatakang nakatitig siya rito. Nag-alangan siyang kunin ang supot, na pakiwari niya’y gintong bareta ang laman. “Sandali, bakit mo ako binibigyan nito?” nagtatakang tanong niya. “Sa iyo naman talaga ito, Jack. Itinabi ito ni Ato. Ito ang kinita ng mga naani mula sa pananim mo’ng lemonde.” Nawindang siya. Hindi niya iyon inaasahan. Sabik na binuksan niya ang