“Nakaalis na ba asawa mo?” tanong ni Ella kay Khrystelle habang inaayos nila iyong mga dokumentong kailangan ng pirmahan. “Yeah! At isang linggo siya roon sa Singapore,” matamlay niyang tugon. “Okay ka lang ba? Bakit naman ang tamlay mo? Huwag mo sabihin nag-away kayo bago siya umalis?” “Hindi naman. Kaso nagtatampo lang ako sa kanya dahil hindi niya nabanggit sa akin agad. Kagabi ko lang nalaman…” “Bakit naman kagabi lang sinabi?” Napatigil sa ginagawa si Ella saka hinarap ang kaibigan. “Ang sabi niya, si Lorrenze dapat ang aalis. Ang kaso may importanteng inaasikaso kaya wala siyang choice kasi ang kuya niya ang aasikaso sa ipapatayo nilang bagong building sa Cebu…” paliwanag naman ni Khrystelle habang patuloy sa kanyang ginagawa. “’Yon naman pala e. May dahilan naman pala ang asaw