Nang makauwi si Khrystelle, inasikaso lang niya ang mga anak pagkatapos ay nagkulong na siya sa kuwarto. At habang isa-isang tinitingnan ang mga bagay na laman ng box ay halos hindi rin maawat-awat ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata. Parang dinudurog rin ang kanyang puso. Para iyong pinira-piraso sa sobang sakit. Dahil sa sakit na kanyang nadarama, tila wala sa sariling tumayo siya at tinungo ang banyo at binuksan ang shower hanggang sa tuluyang mabasa ang damit at katawan niya. Sabay sa pagbuhos ang tubig mula dito ay ang patuloy rin na pagbuhos ng luha niya. Ang sakit, sobrang sakit! Napaupo ako siya sa sahig at napahawak sa dibdib niya. Bakit Nathan? Bakit niyo nagawa sa akin ‘to ni Alexandra? Lalong bumuhos ang luha ko nanlulumo siya ngayon... Patuloy siya sa paghikbi at