"ELLA, go and play with them. They are the---" "Anak at pamangkin ko sila, Hija. Sige na, total dito lang naman kayo sa loob ng AGDA. Huwag kang mag-alala dahil ituturo nila sa iyo ang pasikot-sikot." "Mga anak, isama n'yo siya sa pag-iikot. Anak siya ng Uncle Cedric Paul ninyo." Pamumutol ni Jervin sa pahayag sana ng dating tauhan. Hindi naman sa ayaw niyang marinig ng mga ito ang pag-uusapan nila. Subalit mayroon siyang gustong itanong. Kaso ang batang babae ay kumapit at tumingala sa nakalakhang ama. "Go ahead, anak. Walang problema." Pagbigay ng pahintulot nito. Tuloy! Ang magpinsang Jervin II at Genewayne ay pinagitnaan ang bagong kakilala saka ito hinawakan sa magkabilang palad. Side to side! "Huwag kang matakot sa amin, Ella--- Iyan ba ang pangalan mo o short cut lang? Kas