"KUMUSTA na ang anak ko, pinsan?" salubong na tanong ni Jervin sa pinsang doktor. May hospital ang kanilang ninuno o ang Mckevin Hospital. Subalit nauna nilang nadaanan o mas malapit ang Calvin's Hospital sa AGDA. At sa kagustuhang malaman kung ano ang sakit ng anak ay doon niya ito dinala. "Bago ko sagutin ang tanong mo, pinsan, ay mayroon din akong katanungan sa iyo. Dahil sa side nating Smith ay wala akong matandaang may mahinang puso. Sa side ni Mama JP, ay hindi ko rin alam. As well as your wife. Wala ba siyang nabanggit na mayroon sa pamilya nila ang ganitong uri ng sakit? Ah, sagutin ko na rin para minsanan. Sa hitsura mo pa lang ay wala kang nauunawan. May sakit sa dugo ang anak mo. Heh! Doctor ako kaya't kahit si Dos lang ang nakikita at nakasama natin ay alam kong anak mo ang