"WALANG ibang nakakaunawa sa iyo kundi ako, apo ko. Oo, karanasan ko iyan noong kapanahunan namin ng Grandpa ninyo. Ang pagkakaiba natin ay ang Mommy ko mismo samantalang sa iyo ay ang asawa mo. Pitong taon lamang noon ang Papa Adrianne Joseph ninyo nang bumalik kami rito sa Baguio sa tulong ng Grandpa Reynold James n'yo. Ngunit dahil ako ang anak ay ako mismo ang nagbalik-loob at umuwi after few days ng mainit naming sagutan. At sana makatulong ang kuwento ko sa iyo. Mahirap magpadalos-dalos, apo. Naranasan mo na ng dalawang beses ang nalayo sa mga anak mo at sa iyong asawa. Kaya't kung ako sa iyo ay pag-isipan mo muna ng lahat. Kahit ano man ang maging desisyon mo ay igagalang namin." Mahaba-habang paliwanag ni Grandma Grasya Kaskasera. "Nasabi na ng abuela ninyo ang lahat, apo. Kaya'