"SERYOSO ka, hubby? Aba'y mayroong secret room at pauwi na rin tayo---" Kaso wala eh! Hindi na siya hinayaan ng asawa na matapos sa pananalita. Dahil bukod sa natanggal na nito ang mga papeles na nasa ibabaw ng working table nito ay sinibasib na ang mapupula niyang labi. Hindi nga nito binitiwan hanggat hindi sila kinapos ng hininga. "Wifey, sabi nga ni Grandpa noon ay sa atin ang AGDA. Wala ring nagsasabing bawal ang mahuli at maagang uuwi. Ang masama lamang ay kung hindi mapagbigyan ang sarili sa bagay na ito," anitong namumungay ang mga mata. Hindi lang iyon, ang palad nitong nakatukod sa lamesa at sumusuporta sa kanilang bigat ay inilipat sa maumbok at masikip na makipot pa rin niyang bulaklak. "Tsk! Tsk! Idinamay pa ang mga wala na rito sa mundo ng ilang dekada. Sure, na sure, iy