LUMIPAS pa ang panahon sa buhay nilang mag-anak. Nadagdagan na rin ang apo nila sa panganay na anak. Kahit si Daniella ay mayroon ng puwesto sa NBI. Ginawa ring secret hideout ang tahanang minana ng ina sa mga magulang nito. Ang tanging nag-aaral ay sina AM at PM( Allien Marc at Pierce Marcus). Graduating sa kolehiyo ang una sa kursong nursing. Samantalang ang huli ay nasa first year sa Business Administration. Iyon nga lang ay wala itong pinalampas sa banda. Muli nga nitong binuhay ang grupo ng mga ninuno kasama ang mga pinsan sa ama. "Mga anak, mas mabuti kung kayo mismo ang kumausap kay Pierce Marcus. Dahil kako baka mapabayaan niya ang pag-aaral dahil sa banda," isang araw ay wika ni Grandpa Jameston na sinang-ayunan ng asawa. "Huwag n'yong masamain ang sinasabi naming ng Daddy n'yo