"WHAT?! Ulitin mo nga ang sinabi mo, Daniella Mitchell Smith?! Nasa tamang pag-iisip ka pa ba?!" Kulang ang salitang malakas upang ilarawan ang kasalukuyang hitsura ni Mirriam. Bukod sa binanggit ang buong pangalan ng nag-iisang anak ay napatayo habang pulang-pula ang mukha. Kahit ang matang bilugan ay mas namilog dahil sa pahayag ng anak. "Tama nga naman abg Mommy mo, anak. You did everything and your best to achieve your dream as part of NBI Department. Pero ano ba ang dahilan mo at bigla kang nagbitiw? Hindi ka na ba masaya sa trabaho mo? C'mon, anak. Sabihin mo ang iyong dahilan." Timping-timpi rin si Jervin. Dahil ayaw niyang sabayan ang asawang galit na galit. Gusto rin naman niyang malaman kung ano ang dahilan nito. Kaso bago pa man makasagot o ibuka man lang sana ng dalaga ang