"HUWAG mong sabihing magpakalasing ka ngayong babae ka?" taas-kilay na tanong ni Jervin sa PT niyang wala na yatang ginawa kundi ang asarin at bitinin siya!
Tao lamang siya at nakakaramdam ng init sa katawan. Ngunit kontrolado niya. Kaya nga umabot siya sa edad na thirty-six na bachelor pa. Subalit simula ng naging PT niya si Mirriam at idinamay pa ang patutoy niyang minamasahe sa tuwing maglagay ng cream o session talaga ng masahe nito sa kaniya ay sumabay ito sa pagbalik ng normal niyang pangangatawan.
"Sir General, huling gabi natin dito sa MARGARITA. Kaya't dapat ay sulitin natin. Gusto mo?" namumungay pa ang mga mata nitong nag-abot sa kaniya ng wine glass na may laman.
"Susme, puwedeng-puwede ka namang bumalik dito anytime kung gusto mo. Hindi iyang paglalasing ang---"
"Bossing kong may pagkamasungit, maaring nandito ako sa MARGARITA iyan ay dahil sa iyo. Pero oras na makabalik ka na sa inyo ay hindi na ulit ako makapag-tour around the sea o via planes. Babalik na rin ako sa dati kong trabaho. At higit sa lahat, siguradong hindi na magsangga ang landas natin."
Hagikhik nito saka tingungga ang iniaabot sa kaniyang baso. Ngunit dahil hindi kaagad niya naabot ay ininum din.
"Tsk! Tsk! Akin na nga iyan, babae. Kanina ka pa inom nang inom ah. Pinsan ko si BN at kung gusto mong mamasyal dito sa barko ay sabihan mo lang ako. Ipasakay kita. Huwag iyong para kang namamaalam na," angil tuloy niya rito.
Ngunit dahil sa kaisipang mawawala na ito sa piling niya ay mayroong kumurot sa kaniyang puso.
'Umiibig na ba ako sa kaniya, BOSSING?' lihim tuloy niyang tanong sa sarili.
'Malamang sa katotohanan iyan, Hijo. Ilang buwan na rin kayong magkasama at hindi nalalayong nahulog na rin ang iyong damdamin sa kaniya.' Nakikinita tuloy niya ang sariling nagpangaral sa kaniya.
Subalit dahil doon ay nalagok niya ng minsanan ang laman ng baso!
Kaso!
Napatingin siya sa kasamang bihira niyang tawagin sa pangalan dahil 'babae' lang niya ito tinatawag. Mukhang tinamaan na nga sa iniinom. Dahil bukod sa hagikhik nang hagikhik ay talaga namang namumungay na ang mga mata.
"Hmmm... Hindi naman ganoon kadali, bossing na heneral. Aba'y bakit mo ako ipasakay dito samantalang hindi mo ako kaano-ano? Well, kako masuwerte na akong ikaw ang amo ko dahil nakasakay ako rito sa MARGARITA. Here, take and drink it," anito kasabay ng muling pag-abot sa kaniya ng wine glass na may bagong laman.
ANG senaryong iyon ay kitang-kita mula sa kinaroroonan ng mag-asawang Brian Niel and Gwynett o mas kilalang Agatha.
"Mukhang nagkakamabutihan ang pinsan mo at PT nito, boss," saad ng huli sa asawa.
"Iyan naman ang inaasahan nating lahat, wifey. Or should I say, umaasa tayong lahat na magkamabutihan sila. Dahil sa katunayan ay si Mirriam lang din ang kauna-unahang babaeng naugnay kay insan. Kung tama ang nakikita natin ay siya rin ang maging unang kasintahan," tugon nito.
"Sabagay nga naman, boss. Kapwa sila single at walang ibang pananagutan sa buhay. Pero alam mo bang may iba akong napapansin kay Mirriam nitong mga nakaraang araw? May lungkot sa mga mata na parang mau malalim na pinagdadaanan."
"Sa lagay na iyan ay hindi lang ako ang nakapansin, my pearl. Sa katunayan ay iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Tama, physical therapist siya pero sa kilos at pananalita ay parang kagaya lang ni pinsan. Nabanggit ni pinsan noong isang gabi, gigisingin daw sana niya ito dahil binabangungot. Subalit napakabilis daw ng kilos. Sa isang iglap ay nadepensahan ang sarili sa pag-aakalang masama siyang tao."
Sa pahayag ng asawa ay tuluyan ng napangiti si Agatha. Ngunit hindi naisatinig ang nasa isipan. Dahil muli siyang napatingin sa kinaroroonan ng dalawa.
"HEY, woman! Tama na iyan. Huwag mo akong lasingin. Aba'y kaunti na lang at maubos mo na iyang isang bote. Pasok na sa loob." Muli ay pananawata ni Jervin sa dalaga.
Aba'y tinalo na nga siya nito sa inuman.
"Bossing, kapag may malaman ka bang tungkol sa akin ay isusumpa mo ako? Ah, hindi na pala iyon dapat tinatanong. Dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na panloloko iyon."
Ayon na naman ang hagikhik nito.
"Depende iyan sa rason, babae. Ngunit sa ngayon ay kailangan na nating pumasok sa loob ng cabin. Bukod sa lumalamig na ang simoy ng hangin ay baka hindi na kayanin ng katawan natin ang pumasok," aniya saka naunang tumayo upang maalalayan ito.
Baliktad na ang earth!
Ang bossing na ang nakaalalay sa bantay ngunit hindi nanalakay!
'Talagang lasing na ang babaeng ito. Aba'y himalang hindi umangal,' aniya sa isipan nang kusa nitong tinanggal ang palad niyang nakalahad.
Nakapasok na sila sa loob ng cabin ng bigla itong nagmadali na wari'y antok na antok na. Kaya naman ay muki siyang nainis.
"Dahan-dahan lang, babae---"
Kaso hindi na niya natapos. Dahil kapwa na sila natumba sa higaan nito. Okay lang naman sana kung hindi nito idinagan ang binti sa katawan niya!
"Huh! Ang babaeng ito ay mukhang nawala na sa hulog. Susme, kahit hating gabi ay naliligo. Ano'ng nangyari ngayon at mukhang matutulog na hindi nagpalit ng kasuutan?" aniya sa mahinang tinig.
Babangon na nga sana siya upang lumipat sa sariling higaan subalit iniyakap naman ang braso sa kaniya. Kaya naman ay muli siyang napasinghap.
"Kapag hindi ka umayos-ayos ay baka ikaw ang kauna-unahang makatikim sa alaga kong madalas mong laruin. Tsk! Malakas kako ang self-control ko pero sa ginagawa mong iyan ay parang gustong-gusto mo rin eh," aniyang muli.
Kaso imbes na dumistansiya ito sa kaniya ay mas nagsumiksik pa. Kaya naman! Imbes na ituloy ang pagkalas sa mga binti at braso nitong nakapatong sa kaniya ay hindi na. Bagkus ay tumagilid siya paharap dito. Dahil nakapikit ito ay malaya niya itong napagmasdan.
"Limang taon lang itinagal ko sa Camp Villamor bilang heneral. Halos isang taon na nakakulong sa silyang de-gulong. Subalit sa tulong mo ay heto at muli akong nakakalakad mag-isa. Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babaeng napalapit sa puso ko? Kahit ano'ng bulyaw ko sa iyo ay hindi ka natitinag. Pakiramdam ko tuloy ay umiibig na ako sa iyo."
Bahagya pa niyang hinaplos-haplos ang mukha nitong nataningan ng ilang hibla ng buhok.
"Bossing, puwede bang magpakatulog ka? Kanina ka pa bulong nang bulong ah. Can't we just sleep for a while?" anito.
Kaya naman ay napataas muli ang kilay niya. Tulog ba ito o nagtutulog-tulugan?
Kaso!
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng maramdaman ang braso nitong bumaba. Iyon pala ay pinadausdos ang palad sa patutoy niyang naninigas dahil na rin sa ginagawa nito! Hindi lang iyon, tuluyan itong pumaibabaw sa kaniya at nagmistulang ito ang mananalakay!
Then...
Kahit ito ang pumaibabaw sa kaniya at ilang buwan siyang nagtimpi dahil kailangan din niyang sumailalim sa therapy ay hindi na siya papayag na ito ang kikilos. Kaya naman sa isang iglap ay nabaligtad ang sitwasyon.
"Sigurado ka ba sa desisyon mong iyan, Mirriam? Dahil kung ako ay malakas ang self-control ko at hindi mapagsamantalang tao. Ngayon, bago ko ito gawin ay nais kitang tanungin total nasa tamang huwesyo ako. Are you sure that you want to surrender yourself to me---"
Subalit tuluyan na niyang hindi natapos ang paninigurado. Dahil ikinawit na nito ang mga braso sa batok niya saka hinila palapit dito. Kusa na rin nitong inabot ang labi niya.
"I love you, bossing General. Let's just pleasure ourselves, can't we?" Ngumiti pa to sa kaniya bago tuluyang sinakop ang labi niya.
Baliktad na ang mundo!
The youngest General in town!
Siya ang niligawan ng PT niya!
Imbes na siya ang manligaw!
Ahem...Basagan na ba ng arenola!