"KAHIT ano man ang mangyari ay huwag na huwag kang lalabas dito, anak."
Mahigpit na bilin ng Ginang sa anak.
"Bakit po, Mama? Ano ba ang kasalanan natin sa kanila at gusto nila---"
Ang pananalitang iyon ng sampung taong gulang ay ang ama ang sumalo.
"Anak, sa pagkakataong ito ay makinig ka sa amin nh Mama mo. Oo, mga alagad kami ng batas at handang magbuwis ng buhay para sa ating bayan. Ngunit ngayon ay hindi ka namin kayang protektahan. Kaya nga itatago ka namin dito. Dahil walang mag-aakalang may tao rito.
Kung sakali mang hindi kami makabalik ng iyong ina ay pilitin mong mamuhay ng marangal. Huwag na huwag kang papasok sa isang sitwasyon na hindi mo kayang panindigan.
At alam mo kung nasaan ang mga importanteng papeles na hinahanap ng mga gustong pumatay sa amin ng Mama mo. Kahit ang mga kayamanan natin ay nandoon kaya't ikaw na ang bahala, anak. Tandaan mong love na love ka namin ng Mama."
Mahaba-habang pahayag ni Ginoong Delmundo bago niyakap at hinagkan sa noo ang sampung taong gulang na anak.
Hindi na hinintay ng mag-asawang Delmundo na makasagot ang nag-iisa nilang anak. Bagkos ay sinigurado nilang hindi makakaalam sa kinaroroonan nito.
DAHIL na rin sa bilin ng mga magulang ay nanatiling nakatago si Mirriam sa box na hugis bigasan. Sa labas ay walang mag-aakalang maaring buksan iyon. Subalit sa loob ay kitang-kita ang kaganapan sa labas.
"M-mama..."
"Papa!"
Kamuntikan na siyang matiklo ng mga murderers! Ngunit kagaya nang habilin ng mga magulang ay hindi niya ipinaalam na nandoon siya. Kaya't kahit gustong-gusto niyang lumabas upang damayan ang mga ito ay tiniis niya ang lahat. Tinutop niya ng mahigpit ang labi upang huwag kumawala ang boses niya.
Umiiyak siyang walang tunog. Ngunit sa mura niyang isipan ay bakit hindi na lang siya isinama ng mga ito.
"Bakit n'yo ako iniwan. Paano na ako ngayon? Sana hinayaan n'yo na lang po akong sumama sa inyong dalawa. Mama, Papa..." Tamihik siyang umiiyak sa pinagtataguan.
'Halughugin ninyo ang lahat! Mahigpit na pinagbilin ni Boss Hilton na hanapin ang mga papeles na hawak ni Delmundo!'
'Boss! Patay na ang mag-asawang Delmundo pero wala pang nakakita sa batang lagi nilang kasama. Sinunod nacrin namin ang utos mong halughugin ang bawat sulok. Kaso ganoon pa rin. Wala kaming makita.'
'Huwag n'yo ng alalahanin ang isang paslit. Ang mahalaga sa ngayon ay ang mga papeles na iyon. Dahil iyon ang tanging problema sa kasalukuyan upang mapabagsak ni Boss Hilton ang kasalukuyang administration!'
Mga ilan lamang sa salitang nanulas sa labi ng mga pumatay sa kaniyang magulang.
Kung ilang oras man siyang nakatago sa bahaging iyon ng kabahayan ay walang nakakaalam. Nakatulog pa nga siya dahil sa paghihintay na umalis ang mga ito. Madilim na ang paligid ng nagawa niyang lumabas.
Kaso!
"Hija, bakit ka lumabas? Kunin mo ang lahat ng kailangan mo at ihatid kita sa safety na lugar. Hindi ka maaring makita ng mga kasamahan ko," pabulong na wika ng isang mamang namukhaan din.
"May anghel na ba ngayong pumapatay? Nakita po kita! Kasama ka ng mga iyon. Mabait naman ang magulang ko ah. Bakit n'yo sila pinatay?!"
Sa edad na sampo ay binalot na ng poot at galit ang buong mukha ni Mirriam.
"Hija, alam kong hinubog ka ng magandang asal ng mga magulang mo. Ngunit oras na malaman ng mga kasama kong buhay ka ay wala akong pagpilian kundi isunod ka sa kanila.
Ngayon ay makinig ka sa akin. Halika at pagtulungan nating ilagay sa maleta ang mahahalaga mong gamit. Dadalhin kita sa isang orphanage. Alam ko ring binilinan ka ng iyong nga magulang kaya't kunin mo ang lahat. Paglaki mo ay saka mo balikan ang bahay at lupa ninyo rito sa Baguio."
Sa pahayag ng demonyong mukhang tinubuan ng kabaitan ay hindi nakaimik si Mirriam. Sa mura niyang edad ay pinilit niyang unawain ang nais ipakahulugan ng lalaki.
"Paano kung ikaw naman po ang patayin nila? Kasamahan mo sila at alam kong hinahanap ninyo ako kanina. Ibig sabihin ay panloloko mo sa kanila ang iyong pagtulong sa akin. Handa ka bang mamatay para sa anak ng mortal na kaaway ng boss Hilton ninyo?"
Kusang nanulas sa kaniyang labi.
"Hija, hindi lahat ng nakikita ay totoo. Ganoon din sa naririnig. Minsan madalas tayong niloloko ng ating paningin at pandinig. Kaya't bago pa nila malamang Al kong nandito ka ay sundin mo ang sinasabi ko. Alam komg mahirap magtiwala kaya't ako ang maglalagay sa mga damit at gamit sa school sa maleta. At ikaw ay kunin mo ang mga ihinabilin ng iyong mga magulang at ikaw din ang magtago. Now na, Hija."
"Paano po ang mga magulang ko? Kahit naman patay na sila ay dapat mayroong libingan. At paglaki ko po ay alam ko kung saan sila bibisitahin. At ikaw po, ano po ang pangalan mo?"
Muli, sa mura niyang edad ay wala siyang nagawa kundi ang sumubok na magtiwala sa estranghero.
"Tawagin mo akong Uncle Ben. Kung buhay pa ako sa paglaki mo ay gamitin mo itong badge upang ipakilala ang iyong sarili. Huwag kang mag-alala dahil kilala kita simula't sapol. Mga alagad ng batas ang iyong mga magulang kaya't sigurado akong gobyerno ang magpalibing sa kanila. Hayaan mo, hindi man kaagad ay ipaalam ko sa iyo ang maging libingan nila."
Ipinasuot nito sa kaniya ang isang badge ngunit nagmistulang kuwentas dahil may lace ito.
Sa bilis ng pangyayari ay namalayan na lamang niyang nasa isang THE SURVIVORS ORPHANAGE na siya.
Subalit kung kailan paalis na ang demonyong naging anghel niya ay saka naman siya pumalahaw ng iyak. Gustong-gusto niyang sumama rito pabalik kung saan naroon ang mga magulang.
"HUH! Nanaginip ba ako?" mahinang sambit ni Jervin.
Nagising naman kasi siya dahil sa umiiyak. Wari'y nagwawala ito na may inaaway. Akala nga niya ay sarili niya ang naririnig. Kaya't muli siyang nagtago sa ilalim ng comforter.
"Ay, l!nt!k! May nag-iwan ba ng baby diyan sa labas ng cabin namin ng babaeng iyon---teka lang! Tama! Siya nga ang may inaaway! Aba'y hanggang panaginip ba naman ay nakikipag-away siya? Huh!"
Tuloy!
Dinaig pa niya ang mga bubuyog na bulong nang bulong! Kaso nang masulyapan niya ang babaeng bukod sa parang machine gun ang bunganga kung magsimula ay wala pa itong takot sa kaniya.
"Kawawa naman. Mukhang dinalaw ng masamang panaginip. Kahit parang armalite ni Mommy kung magsimula ay siya pa rin ang dahilan kung bakit maayos na akong nakakalakad. Kahit pa sabihing kailangan ko ang saklay," muli niyang bulong.
Kaya't kahit gusto pa niya ang matulog ay hindi na niya itinuloy. May pag-iingat siyang bumaba sa sariling higaan at tahimik na lumapit sa higaan nito.
'Mama... Bakit n'yo ako iniwan... Papa! Isama n'yo po ako!'
"Ilang buwan na kaming magkasama rito sa barko ni pinsan. Halos two months din sa Baguio. Ngunit kailanman ay hindi ko nakitang umuwi o nag-off," bulong niyang muli saka yumuko upang tapikin ito sa balikat.
Kaso!
Sa pagdantay pa lamang ng kaniyang palad sa d!bd!b este balikat nito ay nagmistula itong ibon sa bilis! Sa isang iglap ay nakapaibabaw ito sa kaniya!
"WHAT are you planning to do? Hah! Ako ang bantay mo kaya't ako sana ang bantay salakay. Ngunit mukhang baliktad ang earth dahil ikaw ang nananalakay!"
Sambit nito na wari'y nasa actual drill. Ang isang palad ay ni-locked ang isa niyang kamay ay ang isa nama'y nakapatong sa kaniyang leeg!
"Heh! Ikaw na nga itong ginising ko dahil binabangungot ka. Ang lakas mong mambintang. Umalis ka nga--- Hey! Nakakasakit ka na ah! Hah! Hinayaan na lang sana kita---"
Kaso!
Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil binitiwan nga nito ang braso niya pero ninakaw pa ang una niyang halik! Hindi lang iyon, umayos pa sa pagkaupo sa ibabaw ng nakatayo niyang patutoy na kulang na lamang ay ikiskis niya ang p********e roon!
"Iyan ang premyo ng mananalakay sana sa bantay. Quits na tayo." Nakangiti itong tumayo at tinulungan siyang nakatayo!
Ito ang pumaibabaw sa kaniya! Ninakaw pa ang kaniyang first kiss!