"ANO ngayon ang plano ninyo mga anak? Sirs kako sana kaso baka umangal kayong lahat."
Seryoso na nga hinaluan pa!
"Talagang aangal ako, Mama. Dahil nandito naman kami bilang kapamilya. Kaya't tawagin mo lang po kaming mga anak."
Abot taengang wika ni Darlene kaso tinaasan ng kilay ng pinsan sa kabila o sa Aguillar.
"Susme, Ate. Aba'y mukhang hindi mo iniwan kay Kuya Lewis ang iyong kasutilan ah," anito.
"Kamo, anak, baka may sumabit na ulit sa tiyan niya. Kaya't ayan hikab nang hikab na naman. But seriously, ano ang plano ninyo? From Lieutenant General to Major General and you, Brigadier General, Kernel Dela Rosa, as well as my niece are all here. For sure, importante anh sasabihin n'yo sa amin ng Mama JP ninyo."
Hindi na rin napigilan ni Ginoong Jameston ang sumabad. Masaya siyang kahit nasa laot ang anak nilang heneral ay mayroong nakaalala rito. Ang mga dati nitong katrabaho.
"Tito, ako na po ang magpaliwanag. Dahil ang mga seniors ko ay mukhang---Ano ba?! Manahimik kayo kung ayaw n'yong ipabalik ko sa kusina ang dala-dalang meryenda ni---"
Kaso hindi na natapos ng nakatawang magpaliwanag sana na si Kernel Dela Rosa ang nais nitong sabihin. Dahil kitang-kita ang bugs na nakakabit sa tray na may lamang meryenda. Without a sound, hinablot nito ang katulong.
"Pinsan!"
"Kernel!"
"Hija!"
Sabayang sambit ng mga nandoon!
Kaso wala itong pinansin sa kanila. Dahil ang akmang tatakas na katulong ang pinagtuunan ng pansin.
"SINO ang nag-utos sa iyo upang mag-espiya rito? Dali! Sagot!" mariin nitong tanong.
"W-wala po akong alam sa sinasabi mo, Ma'am," nautal nitong saad.
Kaso ang mainitin ang ulo ay hindi madaling ilipat sa talampakan ang isipan.
"Pagbilang ko ng tatlo at nagmamatigas ka pa rin ay ako mismo ang papatay sa iyo at ilagay sa drainage upang walang makaalam na patay ka na!"
"Sino ang nagpadala sa iyo rito? One... Sagot!"
"Totoo po ang sinabi ko, Ma'am---"
"G*g●! Hindi iyan ang gusto kong marinig! Huwag kang magkaila pa. Tell us, now! Answer me... Two!"
Dahil sa nakikitang galit ng pinsan ay sumabad na rin si Darlene. Mukhang iba ang pang-amoy ng kapwa niya amasonang lion na nagkatawang-tao! Iyon nga lang ay idinaan pa sa biro.
"Mukhang baliktad ang earth, pinsan kong kapwa ko nanghahablot. Hmmm... Hindi ba dapat mas mauna ang bilang kaysa nagagalit na salita?" nakangisi niyang tanong.
Kaso ang pinsan naman niya sa Smith ang sumalo. Ang Lieutenant General na si Zandro Rhayne Smith Calvin.
"Susme, pinsan. Imbes na tanungin mo kung bakit galit na galit si Kernel Dela Rosa ngunit iba naman ang sinasabi mo," anitong nakailing.
Kaso ang BG na matamang nakamasid ay nagaya rin sa pinsang Bitchichay. Basta na lamang ito napatayo! Hindi lang iyon, ikinasa ang baril na nasa likuran na basta hinugot. Ngunit mas napasinghap sila dahil sa inasta't tinuran nito.
"Babae, maiksi ang pasensiya ko dahil sa nga tulad ninyong walang magawa sa buhay. Masuwerte ka dahil tatlo ang bilang na ibinigay ng pinsan ko. Ngunit iyong sinayang. Kapag ikinasa ko itong baril ko na hindi ka pa magsalita ay magpaalam ka na sa---"
Subalit hindi na natapos ng BG ang pananalita. Dahil biglang umilaw ang bugs na maaring napansin ni Kernel Dela Rosa. Kaya't hindi na rin siya nagsayang ng panahon. Ang tray mismo ang hinablot at isinampal sa babaeng hawak-hawak ng pinsang Bitchichay!
Tuloy!
Nawalan ito ng malay-tao!
Aba'y ikaw ba naman ang masampal ng metallic tray!
"Huh! Nagulat ako sa Bitchichay nating kapwa ko nanghahablot ngunit mas nakakawindang iyon ah, pinsan Art Dos. Aba'y sina LG at MG mismo ang maghahain ng kaso sa iyo," nakangiwing ani Darlene.
Kaso ang mag-asawang Janellah Pearl at Jameston ang sumalo.
"Sa palagay ko ay alam ko na kung bakit hinablot nina Brigadier General at Kernel Dela Rosa ang katulong. Here, take a look on these tray. It's a bug," pahayag ng una kasabay ng pagpulot sa tray na isinampal ng BG sa katulong.
"Sa palagay ko ay hindi kayo safety na magkaroon ng meeting dito mga anak. Dahil nakuha na rin yata ng kalaban ang tiwala ng ilang kasambahay dito."
"Asawa ko, sa 'DAAN' mo sila dalhin at doon sila magplano. Mauuunawaan naman siguro nina Mommy at Daddy ang tungkol diyan. At isa pa, kailangang marebesa ang nakarecord o hanggang saan ang nakuha nitong impormasyon."
Pinaglipat-lipat ng Ginoo ang paningin sa mga high ranking officials at asawa!
Kaya naman ay hindi sila nagsayang ng oras!
Lumipat silang lahat sa 'DAAN'. Dahil oras na rin upang tuldukan ang tyranny ng nasa opisina ng General sa Camp Villamor.
MARGARITA INTERNATIONAL CRUISESHIP
"Kumusta ang pinsan ko, Miss Mirriam? Mukhang tinuyo na naman at ayaw magpahangin ngayong araw ah."
Tinig na nagmula sa kaniyang tabi. Kaya't nabaling ang paningin ni Mirriam sa may-ari ng tinig.
"Ikaw pala, Sir Brian. Wala daw sa mood na lumabas kaya't pinalabas ako," tugon niya.
Totoo namang lumabas siya pero hindi pinalabas ng masungit niyang alaga. Kaya naman ay agad ding pinaliwanagan. Aba'y baka ihulog siya nito sa laot!
"Joke lang iyon, Sir. Natutulog siya kaya't sinamantala kong magmasid-masid sa kagandahan ng barko. Malay natin, baka may makita akong taga-masahe rin ng mata ko," aniyang muli.
Kaso napahagalpak naman ang boss ng barko.
"Don't get me wrong, Miss Mirriam. Second cousin ko ang alaga mo pero hindi ibig sabihin ay boss or Sir mo na rin ako. Natawa lang naman ako kasi naalala ko ang kapatid kong nasa Thailand, farmer of her eyes ang term niya noong hindi pa nag-asawa. Ang pinsan ko namang nakapag-asawa ng taga-Mt Province ay grapes of her eyes dahil boss ng winery ang nakursunadahan. Ang isa ko pang kapatid ay rancher of her heart naman. At ngayon ikaw ay taga-masahe ng mata.
Kung taga-masahe lang din ng mata ang hanap mo ay si insan na rin. Dalaga ka naman at binata siya. Kaya't walang masama kung magkagustuhan kayong dalawa."
Well, mas mainam na ang nagkakaunawaan! Dahil baka masamain pa! At isa pa, magandang dilag din naman ang personal physical therapist ng pinsan niya.
"Still, Sir pa rin. Ayaw ko rin namang mag-isip ang mga nakapaligid na porke't pinsan ng alaga ko ang boss ay wala na akong paggalang. About taga-masahe ng mata ay biro-biro lang iyon, Sir," tugon ng dalaga na pinamulahan ng mukha!
Ayan kasi!
Biniro-biro mo pa ang isang pala-biro! Bumuwelta tuloy!
"Okay, Miss Mirriam. Nasa iyo na iyan kung paano mo ako tawagin. By the way, thank you for taking care of my pitiful cousin. Maaga niyang narating ang posisyong inasam-asam ng mga mas may edad sa kaniya ngunit ganoon din kabilis nawala.
Alam mo bang ikaw lang ang nakatiis sa kaniya? We are sailing for two months already and I've noticed a lot of improvements from his paralysed parts. Kung hindi ako nagkakamali ay bihira na rin niyang gamitin ang wheelchair.
Few days from now or should I say, two weeks from today, dadaong tayo sa PORT OF LONDON sa United Kingdom. Ayon sa bunso niyang kapatid ay mag-stay din kayo roon lalo at nandoon sina Grandma Grace at Grandpa MJ. Kaya't kung ako sa iyo ay samantalahin mo na rin ang mamasyal dito sa barko habang may oras ka. As the boss of this cruise ship, I'm giving you a privilege and access to any part. So, enjoy your days here."
Ayern!
Ang Boss ng MARGARITA ay napatula!
"Thank you, Sir. Pero sa ngayon ay hindi ko maaring iwan si Heneral Sungit este Sir Jervin. Dahil baka tuluyang maging masungit!"
Mula sa seryosong pananalita ay napahagikhik ang dalaga. Tuloy ay nahawa ang boss!
KINAGABIHAN...
"Mukhang nalunok din ng babaeng ito ang kaniyang dila ah. Aba'y himala naman yatang hindi umiimik," ani Jervin sa isipan.
'Kapag daldal siya nang daldal ay natuturete ka. At ngayon namang nanahimik ay problemado ka!'
Nakikinita tuloy niya ang sariling nanenermon sa kaniya.
"Tsk! Tsk! Paanong hindi ako maturete samantalang dinaig pa niya ang ingay sa engine ng barko ni pinsan!"
Lihim tuloy siyang napaiid dahil dito!
Kaso!
Kulang na lamang ay mahulog este lumuwa ang mga mata niya dahil bukod sa bigla itong lumapit sa kinaroroonan niyang nagmamasid ay sumasayaw pa ito sa tugtuging LAMBADA! Hindi lang iyon, gumigiling na nga itong habang palapit sa kaniya ay tinanggal pa ang matinong kasuutan.
Tuloy!
Panty at bra lamang ang naiwan!
Kaso ang minamasahe nito sa tuwing naglalagay ng cream sa buo niyang katawan o ang patutoy niya ay tumindig!
Malinaw pa sa sikat ng araw na INAAKIT SIYA NITO!