"PO? Ako, sasakay sa MARGARITA? Aba'y bakit po? Ayaw n'yo na ba sa akin?" mga katagang nanulas sa labi ni Jervin Daniel.
Kaso nasamid naman ang lahat dahil ang personal physical therapist nito ang sumagot. Hindi lang iyon, harap-harapan pa nitong binatukan ang among heneral!
"Kamahalan, porke ba't ipapadala ka nina Ma'am at Sir sa MARGARITA ay ayaw na nila sa iyo? Heh! Huwag mo akong tingnan ng ganyan dahil ako ang kasama mo. Well, sabi ko namang kahit isa kang General kung hindi mo ayus-ayusin ang buhay mo ay ako ang masusunod. Tandaan mo, kamahalan. Dahil ako ng PT mo not Pregnancy Test kundi PHYSICAL THERAPIST."
Tuloy!
Ang may edad ng si Grandma Grasya Kaskasera ay napahalakhak. Hindi lang iyon, inilahad pa ang mga braso upang yakapin ang dalaga. Ang babaeng bukod tanging nakabatok sa apo nilang heneral.
"Come here to Grandma, Hija. I really like you. The way you deal with my precious grandchild. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa tulad mo upang maging PT niya," sambit niya na talaga namang umaabot sa taenga ang ngiti.
"Ah, pasensiya na po, Lola. Ako ang taong walang kaarte-arte sa buhay. Kung ano po ang nasa isipan ko ay talagang sinasabi ko," tugon nito matapos yumakap sa kaniya.
"Kaya nga magkakasundo kayo ng Grandma ninyo, Hija. Dahil ganyan na ganyan siya simula't sapol. By the way, thank you for staying with Jervin. Sa pag-aalaga mo sa kaniya ng personal. Alam kong ginagawa mo lang ang iyong trabaho. Ngunit appreciated naming lahat ang ginagawa mo. Keep it up, Hija."
Hindi na rin napigilan ni Grandpa MJ ang sumabad. Bukod sa kaedarang pinsan at kapwa military officer ng apo nila ay wala talagang nakakatagal dito. Lalong-lalo na sa mga nagdaang therapist. Kaya nga tuwang-tuwa sila nang dumating si Mirriam sa kanilang buhay. Alam nilang iyon na ang simula ng pagbangon nito sa pagkalugmok.
SAMANTALANG lihim na nagngingitngit o mas tamang sabihing naghihimagsik ang kalooban ni Jervin dahil mukhang naguyo na ng babaeng walang takot sa katawan.
'Aba'y ano'ng ginagawa mo?!' sigaw niya nang nagising siya dahil sa pagmasahe nito sa kaniyang p*********i.
'Kamahalan, huwag maging green minded. Dahil bahagi ito ng aking trabaho bilang personal therapist mo,' tugon nito saka nagpatuloy.
'Ano ba?! Maaring lubayan mo akong babae ka! Hindi ko kailangan ang masahe mo! Layas!' sigaw niyang muli.
Kaso mas lumalim lamang ang galit niya. Dahil imbes na sundin siya ay ngumiti lang saka nagmistulang tao ang bahaging iyon ng pagkatao niya.
'Boy, tumayo ka na. Dahil walang mangyayari sa buhay mo kung lagi kang nakayuko. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita sa abot ng aking makakaya,' anito saka muling nilaro-laro.
'Kamahalan, huwag ka ng sumigaw. Dahil kahit ano'ng gawin mo ay ako talaga ang masusunod. Kaya't kung ako sa iyo ay maging masunurin ka kung gusto mong muling makaramdam ang patutoy mo.' Baling pa nito sa kaniya.
Ngunit nakakamatay lamang na tingin ang isinagot niya rito. Kung nakakatunaw siguro ang paraan nang pagtitig niya rito ay natunaw na.
'Pilya siya pero professional na professional kung kumilos. Totoo namang ginagawa lang niya ang trabaho. Ngunit pati ba naman ang junior ko ay kailangan niyang emasahe? Pinagnanasaan ba niya ako? Tsk! Tsk! Sa dinami-dami ba naman ng lalaking maari niyang pagnasaan ay sa imbalido pang tulad ko!'
Ngitngit niyang muli!
Subalit sa pagkaalala niya sa nagdaang gabi ay napaismid siya bagay na hindi nalingid sa mga kaharap.
"Para saan na naman ang ismid na iyan, apo ko?" dinig niyang tanong ng abuelo.
"Kailangan ba talaga naming magtungo sa barko ni pinsa Brian Niel? Gagaling naman ako kahit nandito sa Baguio ah," bagkus ay tugon niya.
Kaso ang lintik na babae ay trip na trip yata siyang asarin. Harap-harapan talaga pa nga itong nambabatok! Hah! Makikita nito! Oras na makalakad siyang muli ay ito ang unang-una miyang babalikan at pagbayarin ng mahal!
"Aba'y magpasalamat ka na lang, kamahalan. Maaring normal lang sa iyo kasi marami kayong pera. Pero hindi lahat ay blessed kagaya ninyo. Mas mapadali ang pagbalik ng nawawala mong ala-ala kung hindi rito. At ayon sa mga nakaranas ay INCOMPARABLE daw ang MARGARITA. Meaning, doon ka na rin makakalakad ako ang bahala sa iyo."
Pak na pak!
Gusto talaga niya itong sakalin!
Ngunit paano ba niya iyon gagawin samantalang kahit pagsuot ng brief ay nakaalalay ito. Kahit sa pagligo! Kaya nga mas naaasar siya rito. Dahil nakita na ang buo niyang katawan, including his patutoy!
KINAGABIHAN..."Aba'y maari ka ng tumigil sa pagtawa, Hija. Simula dumating kayong mag-asawa ay hindi ka na natigil." Baling ni Grandma Grasya Kaskasera sa anak.
Aba'y dinaig pa nga nito si Elizabeth Ramsey na laging nakangiti!
"Sayang nga, Mommy. Ako sana ang nakasaki ay hindi lang iyon ang kumento ko. Gustong-gusto ko talaga ang ugali ni Mirriam," bagkus ay tugon nito.
"Kamahalan pa nga ang tawag niya kay Jervin. Pero sa palagay ko ay reverse psychology ang ginagawa. She's provoking him intently for him to perform better each and every day." Hindi na rin napigilan ni Jameston ang sumabad.
"Coreect pa sa tama iyan, anak. May tiwala ako sa kaniya. Isang buwan pa lamang siya rito pero malaki na sng pagbabago ni Jervin. Ang pakaabangan natin ngayon ay kung paano sila magbangayan sa barko." Muli ay pagitna ni Grandpa MJ.
Umaabot pa rin hanggang sa kaniyang taenga ang ngiti. Dahil aminin man nila o hindi ay malaki ang nagawa ng kapilyahan nito para sa binatang nakakulong sa silyang de-gulong.
At sa kanilang pagpapatuloy ay na-plano nila ang pagpunta ng dalawa sa Manila dahil nasa bansa ang barko. Dumaong sa Manila Port dahil mayroong idinaong na babies!
SA kabilang banda o sa opisina ni Major-Kernel Hilton o sa inangking General's office.
"Ano'ng sabi ni Mirriam?" tanong niya sa tauhang inutusan upang makibalita sa ipinadalang espiya sa tahanan ng mga Mckevin-Smith o sa kinaroroonan ng mortal niyang kaaway.
Akala nga nila noon ay natuluyan ito. Ilang oras ding walang nakaalam kung saan ito natumba noong nailigtas ang sariling tauhan. Kahit sa pagamutan kung saan ito dinala ay mayroon siyang binayarang nurse upang idespatsa ito. Kaso ang gag* ay hindi nag-ingat bagkus ay ito pa ang nakulong. Ngunit kinailangan din nila itong isakripisyo.
"Hindi po kami nakapag-usap ng maayos, boss. Ngunit ipinapasabi niyang sasamahan niya ito sa paglabas ng bansa. Ayon dito ay sa barko ng mga Mondragon sila sasakay at hindi makapag-report ng madalas," pahayag nito.
Maaring hindi iyon importante sa kausap pero para sa kaniyang desperadong mawala sa mundo ang mortal na kaaway ay napakahalagang impormasyon.
"Okay, I got it, Officer Millare. Maari ka ng bumalik sa puwesto mo. Ah--- Saglit lang pala. Ano'ng balita pala sa kinaroroonan ni Brigadier General? Did you locate him and his men?" tanong niya.
"Wala pa, boss. Ngunit ayon sa pinagbantay ko sa bahay nila ay madalas daw nandoon si Kernel Dela Rosa. Hindi naman po siguro lingid sa ating lahat na bukod sa pamilya ang dalawang hustlers ay matalik ding magkaibigan," tugon nitong muli.
"Kung ganoon, ay mas pumapanig sa atin ang mundo. Basta siguraduhin ninyong hindi makakauwi rito sa Baguio ang taong iyon kung ayaw ninyong mauwi sa wala ang nasimulan natin," aniya.
"Sige, Boss. Mauna na po ako." Bahagya itong yumuko bago tuluyang lumabas.
Then...
'Mas madali kang mailigpit ni Mirriam kapag nasa ibang bansa kayo, Smith. At sisiguraduhin kon hinding-hindi ka na makakanalik dito sa Baguio na buhay,' sambit niya bago muling hinarap ang nakatambak na trabaho.
SAMANTALA wala ng nagawa si Jervin Daniel kundi ang sumunod sa plano ng mga magulang at ninuno na sasakay siya sa MARGARITA. Ngunit mas nagrerebelde ang damdamin niya dahil wala yatang suhestiyon ang kaniyang Therapist na hindi nila sinusunod.
'D*mn you! Makikita mo! Hah! Pinsan ko si BN kaya't maari kitang ipahulog sa dagat! Ako ang apo at anak pero ikaw ang nasusunod! Kahit hindi ko maalala ang lahat. Ngunit malinaw ang utak kong apo nila ako hindi ang tulad mo! Ipapahulog talaga kita sa karagatan upang may pagkain ang mga pating!' Ngitngit niya.
Kaso!
Pinag-iisipan pa lamang niya ito ng hindi maganda ay kinarma na siya!
Basta na lamang itong sumulpot at ginulat siya! Kung hindi lang din ito nakaalalay ay baka nahulog na siya ng tuluyan!
Kaso napayakap naman siya rito kaya't nabundol niya ang bundok nitong parang nagmamalaki!