"TANDAAN ninyo mga anak, ang buhay may asawa ay hindi madali lalo sa inyong magkalayo sa isa't-isa. TIWALA iyan ang number one na isapuso n'yo. Dahil kung wala kayong tiwala sa bawat isa ay walang silbi ang relasyon. Bakit? Dahil sisirain din ng pagdududa ang pagsasama." Ilang araw ding namalagi ang mag-inang Monica at Hariric Neru Jervin Smith sa pagamutan. Subalit dahil kailangang bumalik ni Jervin II sa training centre ay umuwi sila sa mansion. "Opo, Mommy. Thank you po sa inyong lahat. Dahil hindi n'yo hinayaang may nawala sa aming mag-ina," masayang pahayag ni Monica. "Dahil pamilya, anak. Maaring ilang buwan ka pa lang napabilang sa pamilya natin. Ngunit malalaman mo kung gaano kahalaga ang salitang pamilya habang tumatagal. Again, don't linger from the past. Instead, use it as a