"YES, hija. May kailangan ka ba kay Papa?" masuyong tanong ni Jervin sa anak na babae. Abala siya sa pakikipag-usap sa nga pinsan in both sides nang naramdaman niya ang pagkalabit nito. "Hindi po ako, Papa. Pero sabi ni Kuya Vin tawagin po kita. Kasi si Mama hindi sumasagot," paliwanag nito saka tumingala sa ikalawang palapag ng mansion. "Opo, Papa. Kanina pa namin kinakausap pero hindi po sumasagot. Nakatingin po sa labas ng bintana," dagdag paliwanag pa ni Genewayne. Maaring pinababa rin ito ng panganay na anak. Sa narinig ay tuluyang hinarap ni Jervin ang anak at pamangkin. Kaso ibubuka pa lamang niya ang labi upang kausapin sana ang mga ito. Kaso ang ama naman niya ang nagwika. "Go now, son. Sa palagay ko ay kagaya kong shocked ang inabot ni Mirriam sa sabayang pagkawala nila Mom