"HINDI ka pa rin nagbabago, hipag. Way back then, ginulantang mo kaming lahat dahil sa pasabog mo noon bago nagpakamatay si Major-Kernel Hilton. At ngayon naman ay ang inakala nating loyal and trusted men ng pinsan kong mukhang nalunok na ang dila." Masayang nakipagbeso-beso si Darlene sa hipag na halos anim na taon nawala at sa pagbalik ay isang kaso na naman ang na-solved. "Excessive words na iyon, hipag. Pero maraming salamat. Dahil patuloy n'yo akong sinusuportahan kahit para akong kabute na basta sumusulpot," nakatawang tugon ni Mirriam. Aba'y ano ang magagawa niya kung talaga namang natutuwa siya dahil kahit pasulpot-sulpot naman talaga siya ay napakainit pa rin ang pagtanggap ng buong pamilya sa kaniya. Sa side man ng biyanang babae o sa lalaki ay ganoon pa rin. Maaga siyang naul