"WALANG ibang may kasalanan kundi ikaw, Major-Kernel! Ikaw at wa ng iba!" "Shut up, Smith! Dahil kayo ang dapat mawala sa mundong ibabaw! Ano iyan, pinagpapasa-pasahan n'yo na ang General's position! That can not be!" "Kung kaming nanggaling sa iisang clan ang sunod-sunod na naupo sa posisyong kinababaliwan mo ay isa lamang ang ibig sabihin! Deserving kami sa puwesto na iyan! At ang tulad mong ganid sa kapangyarihan at kinang ng salapi ay hindi umaangat-angat! Imbes na ayusin mo ang iyong serbisyo ay Coup d'état pa ang iyong pinagkaabalahan!" "Sabihin mo na ang lahat ng gusto mo, Smith! Dahil wala na ring saysay! Ikaw ay ang mga kasamahan mo ang unang mamatay sa kampong ito!" Ang pagsisigawan ng dalawang opisyal ay init nang uminit! Sa kabila ng pagtutok sa isa't-isa ng baril ay para