"ILANG araw mula ngayon ay tatlong taon na ang anak mo, Hijo. Ganoon na rin katagal ang lumipas simula wala tayong balita kay Mirriam. Nag-asawa na rin ang kambal mo sa wakas. Ikaw, wala ka bang balak mag-asawa? Aba'y lumalaki na ang anak mo ah," ani Janellah kay Jervin. Isang hapon na dumating ito galing sa trabaho. Noon, ipinamana sa kanila ng magulang ang pamumuno ng AGDA. Nakaagapay pa rin naman sila rito ngunit mas naka-pukos na ito samantalang silang mag-asawa ay nakabantay na sa apo at kasa-kasama na ng magulang nila. Kagaya rin nila, malaking tulong ang pagiging alagad ng batas noon. "Tama ang Mommy mo, anak. Ako na ang nagsasabing mas mabuting humanap ka na rin ng makakaagapay mo sa buhay. Wala namang problema kung sino at ano pa man ang babaeng pakasalan mo. Ang mahalaga ay mah