"ANO'NG plano mo ngayon, apo? It's been three years since you separated from your own child. Ibig sabihin ay ganoon na katagal na hindi mo ito nakita at nakapiling," tanong ni Grandma Kaskasera sa dalagang ina ng kanilang apo. "Tama nga naman ang Grandma ninyo, Mirriam apo ko. Isa kang professional at walang sabit. Ibig ay puwede n'yong ipagpatuloy ni Jervin ang nasimulan ninyo." Pagsegunda pa ni Grandpa MJ. And yes it is! Kung mayroon mang nakakaalam sa whereabouts ng dalagang pinangulilaan ng apo nilang si Jervin Daniel ay ang mag-asawang Marc Joseph at Allien Grace. Ipinaalam ng dalaga ang tunay na karamdaman sa kanila. Mayroon itong tumor pero nakuha sa gamot. Subalit dahil dala-dala na nito ang batang si Jervin II noon ay hindi agad nakapag-pagamot. Kinailangan nga lang nitong iwan