Kabanata 36 Napatanga lamang ako sa aking mga narinig. Walang patlang naman sa pagtulo ang aking mga luha. “Hindi ‘to totoo!” singhal ko sa kanya. Kumikit-balikat naman ito at muli akong tinapunan ng matalim na titig. “Iniisip ko ngayon kung hahayaan ba kitang mabulok dito o padadaliin ko ang iyong paghihirap. Nakakabagot kasi. Gustong-gusto ko na kasing isunod ang anak mong si Arthyseuos.” Nakuyom ko ang aking mga kamo. “Ang kapal ng mukha mo! Huwag na huwag mong idadamay ang anak ko sa mga kasamaan ninyo!” galit kong bulyaw sa kanya kasabay nang pagduro ko. Bigla naman nitong binuksan ang pinto ng aking kulungan. Agad akong nabuhayan ng loob. Agad kong binago ang kulay ng mga mata ko at agad ko siyang dinamba. “Hayop ka!” Nakipagbuno ako sa kanya. “Paano!?” gulat nitong sambit