Kabanata 37

1528 Words

Kabanata 37 Nang umabot kami sa pantalan ay agad naming tinalon ni Mattheaus ang aming barko. Ngunit laking pagtataka ko dahil napakatahimik ng aming paligid. “Inay!” tawag ko kay inay Nely ngunit walang tumugon sa aking pagtawag. Agad akong bumaling kay Mattheaus. “Nasaan sila!?” tanong ko agad sa kanya. Hindi niya ako kinibo bagkus ay mabilis niya akong hinila dahil biglang may bumagsak doon mismo sa aking kinatatayuan kanina. Ang malaking angkla ng barko. “Marami sila Yana. Nahuli tayo ng dating,” anang Mattheaus. Agad akong nailing. “Hindi puwede! Ang anak natin! Ang inay!” Nagsimula na namang maglandas sa aking mga pisngi ang aking mga luha. Bigla namang tumunghay sa aming harapan si Egoy, o mas tamang ipangalan sa kanya ay isang Seltzer. “Hayop ka! Ibalik mo sa akin ang ana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD