Huling Kabanata Nang magising ako'y tila ba'y kay tagal akong nahimlay sa aking pagkakatulog. Iginalaw-galaw ko ang aking mga kamay. Parang buong katawan ko'y namanhid. Nakuyom ko ang aking mga kamay at puwersahan kong pinilit ang aking katawan na makabangon. Huminga ako ng malalim at bumaba sa kama. Dahan-dahan akong humakbang hanggang sa tuluyan akong tumapat sa pinto. Pinihit ko ang busol. Nang mabukas ko ang pinto ay ang malaking buwan agad sa kalangitan ang aking nasilayan. Masiyadong maliwanag ang kalangitan. Humakbang pa ako at napahawak sa barandilyang gawa sa bakal. Puna kong nasa barko ako, kung saan ito 'yong ginamit namin sa aming paglalakbay ni Mattheaus. Nasuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. "Umahon ka na," ang boses ni Mattheaus ang aking narinig. Mabili
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books