Kabanata 30 "Ate Yana! Takbo!" sigaw nito. Namilog ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang sumunod na lumabas ng pinto, isang taong lobo! Awtomatiko akong napabalik at lakad-takbo ang ginawa ko. "Ate Yana!" sambit pa ni Egoy nang maabutan niya ako. Umiiyak ito at halata sa mukha ang matinding takot. "A-ate Yana, umalis ka na. Ililigaw ko sila." Umiling ako. "Hindi kita iiwan dito!" sagot ko at hinila na ito. Inalalayan ako ni Egoy na tumakbo ngunit hindi pa man kami lubusang nakakalayo ay bumungad na sa aming harapan ang dalawang taong lobo. Napayakap sa akin si Egoy ngunit kinalas ko ito at itinago siya sa aking likuran. "Ako ang kailangan niyo, 'di ba!? Nakikiusap ako, huwag niyong idamay ang bata!" Pagmamakaawa ko sa gitna nang aking pag-iyak. "A-ate Yana..." nanginginig s