Kabanata 20 Alam ko, kakaiba siya ngunit sa sitwasyon naming dalawa ngayon ay talagang hindi ko maiwasan ang hindi makampante. Sa mahabang pag-iisip ko kanina'y napagtanto kong ako nga talaga ang nakasaad sa propesiya. Hindi ako hahabulin ng mga taong lobo na 'yon kung hindi ako ang nakasaad. May parte sa akin na hindi pa rin makapaniwala ngunit kung susuriin kong mabuti ang mga masasamang naganap sa akin ay mukhang napapaniwala na ako nga ako talaga ang nakasaad sa propesiya. Kailangan ko lang ng impormasyon o 'di kaya'y libro na mapagkukunan ko pa ng ibang kaalaman tungkol sa tinutukoy nilang propesiya. Umayos na ako sa pagtayo at pumasok na sa loob. Naghanda na ako ng agahan namin ni Egoy. Nang matapos ako'y umuna na akong kumain at nag-ayos na ng sarili pagkatapos. Hindi nagtagal