Kabanata 21 Hindi nagtagal ay natapos din naman ako at agad na akong nagsimulang mag-ayos ng aking sarili. Mas mabuti na itong maaga kaysa naman ang paghintayin ko pa si Zsakae. Nakakahiya naman kung ganoon pa ang mangyayari. Nang makatapos ako sa pagligo ay labis pa rin akong nag-aalala sa suot ko. Dahil mukhang makikita pa yata ni Zsakae ang ilan sa mga pasa ko sa katawan. Dali-dali kong hinalungkat ang mga gamit ko at hinanap ang mga gamit kong pangkolorete sa mukha. Isang krema na kakulay ng balat ko ang ginamit ko upang matakpan ang mga pasa ko sa katawan. Mabuti na lang talaga at napadalhan ako ni Jeorgie ng mga ganitong kolorete sa mukha. Nang masiguro kong nalagyan ko na lahat ay kaagad din naman akong nagbihis at maging ang pares ng sapatos ko'y sinuot ko na rin. Naglagay lang