Kabanata 23 Nang maalimpungatan ako'y nakaramdam ako ng hininga sa aking leeg. Nang idinilat ko ng tuluyan ang aking mga mata'y nasa aking silid na ako at ang ikinagulat ko pa'y katabi ko si Mattheaus. Sinulyapan ko ang orasan at ilang oras na lang bago mag ala-sais ng umaga. "M-mattheaus..." Mahinang tawag ko rito. Alam ko, ang mga gaya nila ay 'di natutulog. Bahagya itong gumalaw at isiniksik pa ng husto ang kanyang mukha sa aking leeg. "Matthe—" Sambit ko ngunit agad din namang naputol dahil sa isang iglap lamang ay bigla na itong nakadagan sa akin at nakalapat ang labi nito sa aking labi. "Caritas mea..." Sambit nito habang hindi pa rin inaalis ang nakalapat nitong labi sa akin. Napapikit ako at nang magdilat ako'y wala ito sa harapan ko. Napabuga ako ng hangin at kusang napangi