Kabanata 24 Papungas-pungas akong napabangon sa aking kama dahil sa gulat ko nang tumilaok ang tandang. Naningkit ang aking mga mata nang tumama sa akin ang sikat ng araw. Kinusot ko pa ang aking mga mata bago tuluyang dumilat at napabangon. Napahimas pa ako sa aking tiyan dahil talagang gutom na gutom na ang aking pakiramdam. Kinuha ko ang maliit na tuwalya at diretso akong pumasok sa banyo upang makapaghilamos at nang makapagsipilyo na rin. Kinuha ko ang maliit na tuwalya at pinunasan ang aking mukha. Akmang ilalapag ko na sana ito nang maalala ko ang nangyari sa akin. Agad akong lumabas ng banyo at inusisa ang buo kong katawan. Diyos ko! Namamalikmata lang ba ako o kung ano dahil lahat ng pasa ko sa katawan ay wala na. At isa pa ang ipinagtataka ko dahil kagabi lang ay kasama ko pa si