Kabanata 25 Maingay yata ang paligid ko. Dinig na dinig ko ang mga konting pag-apak ng mga paa sa sahig. Maging ang mga kalansing ng mga kubyertos ay halos mabingi ako. Ang tunog ng pag-galaw ng orasan at ang bawat pag-ikot ng mga kamay nito'y dinig na dinig ko. Ang bawat paghinga, ang bawat kibot ng labing bumubulong ay dinig na dinig ko rin. "Yana..." Napasinghap ako nang magdilat ang aking mga mata at diretsong napabangon. Pakiramdam ko'y nagbago yata ang kulay ng mga mata ko dahil biglang mas lumiwanag ang mga nakikita ko. "Yana!" Kasabay nang pagsambit nito ay ang malakas na sampal na natanggap ko. "A-ate Catherine?" gulat ko pang sambit nang makilala ko ito. Umiyak ito at bigla akong niyakap. "Patawarin mo ako Yana..." wika nito ng puno ng sinseredad. Alanganin naman akong napa