Chapter 13

1008 Words
Chapter 13 A good rest, nakahiga ako sa isang malambot na higaan. Parang sobrang komportable ata ito kumpara sa usual tinutulogan ko dito sa Valeria. Nakapikit pa ang aking mga mata at kinakapa ko ang gilid nang aking higaan. Malambot na higaan, mabango at masarap sa pakiramdam higaan. Ang amoy ay pamilyar. Agad akong napadilat at napabangon. Nanlaki ang aking mga mata. “Nasa… bahay ako?” Tanong ko nalang sa aking sarili. Anong nangyayari? Ito ba ay panahinip na nakabalik na ako, o ang valeria ang panaginip at nagising na din ako sa realidad. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin pa kung bakit nakahiga ako ngayon sa aking kama at nasa bahay namin sa earth. Napatingin ako sa aking mga kamay at hinaplos haplos ang aking puting bedsheet papunta sa unan. Totoo ba ito? “Kuya, kakain na!” Rinig kong sigaw mula sa baba. Ang kapatid ko! Totoo nga ito! Narinig ko pa ang pagdadabog na paakyat nito sabay katok sa pinto ko at sabing “kakain na daw sabi ni mama, baba ka na at baka pagalitan ka ni papa,” sabi nito at naglakad paalis. Nakabalik na ako! Totoo kaya yung mga nangyari sa akin sa Valeria? Mabilis akong bumangon at pinindot ang on sa aking computer. Nang mag load ito ay wala naman akong nakitang bakas na pumindot nung ads. Baka isang mataas na panaginip lang iyon. “Andito nga ako!” Sabi ko sabay talon talon. “Griffin! Bumaba ka na!” Narinig kong galit na sigaw ni mama. Si mama ay nandito din! Agad akong nag suot nang shirt at bumaba. Nang nasa huling paanan na ako pababa ay nakita ko ang aking mga magulang at kapatid sa kainan. Ang kapatid kong matalaw ay mabilis linalamon ang bacon sa kanyang harap at si papa, nakatalikod ito sa akin pero alam kong umiinom yan nang kape at nahbabasa nang morning news paper. Hindi kasi nito gusto ang mga balita sa TV, mas gusto nyang magbasa. Si mama naman nasa kusina, naghuhukad nang kanin. “Griffin, bakit ba ang tagal mo bumaba?” Bati ni mama nang makita ako. Liningon lang ako nang kapatid ko at bumalik sa paglalamon. Wala namang aagaw jan sa bacon nya. Para talagang baboy ang babaeng to. Napangiti ako sa nakita. Totoo ngang andito na ako, hindi ko naisip na hahanapin ko din pala ang earth. “Kuya ang creepy! Ma! Nababaliw na ata si kuya at ngumingiti mag-isa.” Banat nang kapatid ko at kasabay naman nitong nawala ang aking mga ngiti. Panira talaga nang moment ang babaeng ito. “Wag ka mag ganyan sa kuya mo, margarette.” Sabi ni mama. Tinignan lang ako nang kapatid ko sabay roll eyes. Lumakad na ako patungo sa lamesa upang sabayan sila sa hapagkainan. “Magandang umaga, ma at pa.” Binati ko sila tapos nginitian lang ako ni mama at si papa naman ay tumango at uminom nang kanyang kape. Umupo na din si mama sa harap ko. Bale ang pwesto namin ay si papa sa gitna at top most part, si mama sa kanan at ako ang sa kaliwa ni papa. Katabi ko naman ang aking kapatid na walang pakialam kundi lamon lamang nang lamon. “Ma, may project po ako na magbinterview daw sa pamilya, mag video sana tayo, yung everyday life daw kasi natin,” simula ni Marg nang matapos lumamon. “Kailan ba yan?” Sabi ni mama “Bukas sana kaso…” natigil ito sa pagsasalita at napatingin sa akin “Dapat kumpleto daw,” dagdag nya “Kumpleto naman tayo ah,” sabi ni mama na nakakunlt noo “Nawawala na naman si kuya eh,” sabi ni Marg kaya nagulat ako at napa tingin sa kanya. Hindj na ito naka tingin sa akin bagkus, sila ni mama ang nag-uusap “Oo nga pala. Nasaan na kaya ang kuya mo.” Rinig kong bukong ni mama. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Wag nyo na pag-usapan ang wala dito. “ ma otoridad na sabi ni papa. Naguhuluhan ako. “Marg, Ma at pa! Andito lang naman ako ah!” Sabi ko Naguguluhan ako, nandito lang naman ako, nagka usap pa nga kami kanina lang. “Wag na nga kayo mag biroan marg!” Sabi ko sabay taas ng kamay ko para abutin sana ang balikat ni Margarette. Pero mas nagulat ako sa nakita. Nagiging transparent yung mga kamay ko. Agad akong napatayo at tumakbo sa salaman at totoo nga, nagiging transparent ako. Nakarinig ako nang tawanan mula sa hapagkainan kaya tumakbo ako pabalik. Baka magtatawanan sila dahil hindi ito tunay. At jino jome time lang ako. Pero nang nadatnan ko sila ay masaya silang tumatawa at nag uusap-usap. At ako naman ay unti unting nawawala. “Ahh!” Sigaw ko sa sakit at hapdi nang katawan. Nagising ako bigla at medyo nasisilawan pa ako. Nasaan ba ako? At sa isang iglap bumalik ang lahat nang ala-ala at kung ano ang nangyari. Inatake pala kami ni Misaki! Hindi totoong bumalik na ako sa esrth. Panaginip lang pala iyon. Nangulupkop ako sa sakit nang katawan. Kailangan ko tulongan si Misaki! Pilit akong tumayo pero masyadong masakit ang aking katawan at parang mawawalan na talaga ako mang malay. Ano ang gagawin ko? Para saan pa ang oag eensayo ko kung di ko man lang ma protektahan ang isang babae? Masyado ata akong mahina! Agad akong napurohan at hindi man lang nakalaban. “Gising na pala tong isa!” Sigaw nung kasamahan nang parang cheetah na tao. “Papatayin na ba natin to? Eh kakagising lang naman, mas masaya kung tadtarin natin ang katawan at ipakain sa alaga nating hayop sa Nayon!” Sigaw nung isa “Eh parang butot balay na nga iyan, anong kakainin pa nang hayop natin? Tanga ka ba!” Sabi nung isa. Nag aaway lang sila at hindi na ako nilapitan. Nakita kong may dala silang parang kariton. Dyan ba nila enlalagay ang mga katawan namin? Ano ba ang pwede kong gawin! Putek ang hina ko masyado!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD