Chapter 12
Ilang oras din ang nilakbay namin bago nagpahinga. Hinahangos na ako at pinagpapawisan. Nilabas ko ang tubig ko at umunom nalang dahil pakiramdam ko ay ang dry masyadonnang aking baba. Hindi ko alam bakit ang init init dito. Para kami dumadaan sa gilid nang desyerto dahil na din sa halos walang puno sa kabilang lugar at nag c***k na din ang lupa sa kawalan nang tubig.
“Konti nalang ang tubig ko, hindi ma ata ako nito aabot.” Inalog alog ko pa ito sabay tingin sa bote na itinaas ko sa ere.
“makakaabot yan, sa susunod na bundok ay ang lugar na nang mga elves. Ang lupa nila ay mayroomg apat na season. Spring, summer, winter, fall. Madadaanan natin yan lahat.” Sabi nya. Para namang nag ‘ting’ yung utak ko nang makarinig sa word na elves. Napangisi ako sa naisip. Makakakita na din ako nang elves sa wakas! Yan ang maunang makikita ko na ibang lahi. Ay teka, pangalawa na pala dahil demon pala si Misaki.
Nakangiti lang akong naglalakad at du ko na namamalayan ang init nang panahon.
“Tanong ko lang, bakit ka umalis sainyo?” Tahimik kami naglalakad at alam ko mas malayo pa ang dedtinasyon namin kaya naman mas mabuti malaman ko kahit ko ti ang tungkol kay Misaki.
“Iba kasi ang pananaw nang aking nga magulang at gusto nila sumunod ako sa kanilang yapak.” Sabi nito. Tinignan ko sya sa unahan. Wala itong ibang dalang gamit kundi isang flask na may tali upang mahawakan nya ito at maikabit lang sa leeg.
Naka paa lamang ito at kitang kita ko ang tulis nang kanyang mga kuko sa paa, pati na din sa kamay. Tahimik lang din itong naglalakad at hawak hawak ang kanyang lagayan nang tubig.
“May mga kapatid ka ba?” Tanong ko
Napatawa naman ito bigla.
“Hindi ako o ang lahi namin ipinanganak kagaya nyo. Yung itlog namin ay galing sa isang mother demon. Tapos may mag asawa ang binibigyan tig iisang itlog sa isang pamilya.
“Ha? Talaga ba? May ganun din pala hindi ko man namalayan na iba iba pala tayo nang paraan ipinanganak.” Interesadong sabi ko.
“Alam mo, akala ko talaga nuon pantasya lang ito at panaginip. Pero nang nag tagal nang nagtagal ako dito eh hindi pala. Nadala ako dito sa di ko kagustuhan at mas lalo na at binugyan pa kami nang misyon bago makabalik sa mundo namin.” Sabi ko sa kanya. Pansin ko naka tingin sya sa akin at biglang sigaw nya nang, “Dapa!” Pero hindi ako naka react agad at bigla nalang may isang mabilis na bagay ang dumaan sa harap ko at kasunod nun ay natumba na si Misaki at walang malay. Nagulat ako sa nakita at tila alam kong dspat akong bumalik sa realidad dahil inaatake kami.
“Misaki!” Sigaw ko nang napabalik ako sa realidad
“Anong ginawa nyo sa kanya?” Galit na sigaw mo nang makita na hindi gumagalaw si misaki.
“Relax,” sabi nito aabay pigil sa akin nang tatakbo sana ako papalapit sa kanya. Bigla bigla ay nagulat nalang ako na bumalibag na pala sa ere. “A—anong nangyayari?” Mahinang bulong ko.
Napatingin ako sa direksyon kung san ako naggaling. May sumulpot na isa pang kasamahan nito. Napatingin ako sa itsura nila at kaiba ito. Isang half human at half animal. Hindi ko sila namalayan na nagmamasid sa amin. Isa itong ambush. Tinignan ko muna si Misaki sabay dahan dahan na tumayo. Narinig ko silang nag uusap at tila deadma lang ako.
“Malaki ang bentahan nang demons ngayon. Antayin lang natin si boss,” sabi nung isa.
“Paano naman yung kasama?” Tanong ng isang kasamahan nya sa ay tingin sa direksyon ko.
“Edi bugbugin natin, pang aliw lang.” Sabi nang isa at sabay silang tumawa ng malakas.
Nang makita ako nang isa ay agad ito napadpad sa akin nang napakabikis sabay din ang pagtilapon ko muli sa malayong parte.
“Ack! Ang sakit,” sabi ko habang naghihirap huminga.
“Mahina pala ito, hindi man lang tayo makakapag-ensayo dahil dito,” sabi nang isa sabay patid nang aking baba at dumugo naman ito.
“Wag mo masyadong bugbugin, baka mapakinabangan pa natin, antayin natin si boss,” sabi nang isa.
Kalaunan nakita ko si Mosaki gumalaw.
“Oh! Gising ang isa, di mo ba naayos ang oag bigay ang gamot?” Sabi nito
Gamot? Did they mean they drugged her? Aakala ko talaga ano na nangyari sa kanya!
“Misaki!” Sigaw ko.
I heard her growl na rila galit na galit. Dahan dahan siyang tumayo at lumapit sa knya ang isang lalaki na may dalang gamot. Pero bago pa man nito maturukan ay mabilis na nakambras ang mukha nang lalaki at napasigaw ito sa sakit.
“Ahhh! Putek mong babae ka!” Sigaw nito habang hawak ang dumudugong mukha. Bigla nitong sinipa ang tyan ni Misaki at hindi nito na blocking dahil ata sa gamot. Pinilit ko ang sariling tumayo pero yung mabilis na kasama ay agad na naman akong sinipa sa tiyan at para akong nangungulupkop sa sakit
“Giffin!” Sigaw ni Misaki tumayo ito muli pero mabilis na naturukan nang isa si misaki anng gamot at kahit anong piglas nito, dahan dahan siyang hindi gumagalaw at hanggang sa nakita kong nawalan nang malay.
“Boss,” rinig kong sabi nang isa, nakita kong may parang hologram tung isa na hawak at may kinakausap na isang lalake na malaki ang katawan. Di ko klaro ang ulo pero malaki ito.
“Ano gagawin namin dito sa isa boss?” Sabipa nito
“Anong lahi yan?”
“Tao” sagot nang isa.
“Iwan nyo at patayin, dalhinsa akin ang demon ma babae, malaki ang presyo nyan ngayon sa bentahan,” sabi jito sabay patay sa hologram
“Wag nyong galawin si Mosaki! Lumayo kayo!” Pilit kong sigaw pero tumatawa lamang sila.
“Tumahimik ka! Ipapakita muna namin sayo kung ano ang gagawin namin dito bago ka patayin!”
Para akong nanlumo sa sinabi at hindi ko alam pero ako ang lalaki pero ako pa ang pinaka mahina. Lumaban si Misaki, dapat gawin ko din iyon! Napakuom ako sa aking kamao sa galit at desedidong labanan ang dalawa.
Bahala na si batman!