Step Thirty Seven. - The Star Magazine Gusto kong sapuhin ang noo ko nang mabasa ang pangalan ng building na pinapasukan ni Kray bilang isang editor. Oo nga at sikat itong magazine company, sa totoo nga ay laging nasa top trending ang magazine nila pero hanggang ngayon, natatawa pa rin ako sa pangalan nito. Para kasing katunog ng star margarine! "Sir, ano pong kailangan n'yo?" Tanong ng guard sa akin nang lumapit ako sa kanya. "I want you to bring this flowers and chocolate for one of the editors, Kassandrea Kray Dela Cruz," iniabot ko sa guard ang bouquet ng tulips at isang box ng chocolate. "And here, keep this." Inabutan ko s'ya ng dalawang libo. Ngumiti sa akin ang gwardya at mabilis na tumango. "Sige po ser, mabuti na lang po at kilala ko si ma'am Kray. Ano po pa lang pangalan