Step Thirty Eight. - Nakadalawang doorbell lang ako sa gate nila Kray ay bumukas na agad iyon. Tamang tama naman at bumungad ang nakangiting mukha ng mama ni Kray. "Sino 'yan-" naputol s'ya sa pagsasalita nang makita ako. "Hello po, tita!" Masayang bati ko sa mama ni Kray, 'tsaka ko na s'ya tatawagin ulit na mama kapag bati na kami. Kumunot ang noo n'ya at biglang sumama ang timpla ng mukha n'ya. Plano kong suyuin ang mama ni Kray para pumayag na ulit s'yang ligawan ko ang anak n'ya. "Bakit ka nandito?" Iritang tanong n'ya. Nginitian ko s'ya, yung ngiting sobrang tamis. "Manliligaw po sana ako sa inyo," sagot ko. "Para po payagan n'yo na po akong ligawan ang anak ninyo." Pinanliitan n'ya ako ng mga mata. Kumalabog ang puso ko, halos magcross fingers na ako sa likod ng kamay ko kun