Step Forty One. - "Yari ka, paano na sila tita n'yan kapag nalaman nilang nagpapaligaw ka parin kay Harold?" tanong ni Ayesa ng mai-kwento ko sa kanya ang lahat. Bumuga ako ng malalim na hininga at pumangalumbaba sa lamesa ko, iyon na nga ang inisip ko. Kung paano ko sasabihin sa kanila. Baka mamaya pagalitan nila ako. Galit kasi talaga sila pareho kay Harold. Lalo na si mama, kasi si papa hindi n'ya naman masyadong alam 'yong mga nangyari. "Hindi ko pa alam, eh. Bahala na, basta sasabihin ko rin sa kanila," sagot ko. Tumango tango si Ayesa at uminom sa mug n'yang may lamang kape. "Pero ang tanong talaga, eh, kung may balak ka bang sagutin iyang si Harold? Kasi kung wala, edi huwag mo na sabihin." Nag angat ako ng tingin kay Ayesa at sinamaan s'ya ng tingin. "Bibigyan ko ba ng chan