Step Forty. - "Good morning my love!" Sinapo ko ang noo ko ng mabasa ko iyon sa text n'ya. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano. Mas lumala talaga iyong nararamdaman ko para kay Harold kaysa dati. Hindi ba dapat, nabawasan iyon kasi may nagawa na s'yang kasalanan at saka ang tagal naming hindi nag usap. Hindi ko s'ya ni-reply-an. Pagkabasa ko ng text n'ya ay inilapag ko iyong phone ko sa side table ng kama ko pagkatapos ay dumiretso sa banyo para maligo. May pasok ako ngayon sa trabaho at ayokong ma-late. Pagkatapos maligo ay kinuha ko iyong tuwalya ko at ibinalot sa aking katawan. Pagkalabas ko ay tumutulo pa ang buhok ko, palagi ko na lang nakakalimutan bumili ng isa pang tuwalya para sa mahaba kong buhok. Nasanay na kasi akong maiksi ang buhok ko. Nang hindi na kami nagkakausa