Last Step. - Tuloy tuloy na ang luha ko, ni ayaw ko ng umalis sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano pang gagawin dahil ang sakit sakit na. Parang hindi ko na kayang tingnan pa si Harold matapos ideklara ng mga doctor na patay na s'ya. Patay na si Harold. "Daddy!" Nag angat ako ng tingin sa gawi ni Harold. Biglang nagkagulo iyong mga doctor. "Nasira iyong monitor!" Sigaw 'nong isang nurse. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang dumilat si Harold at umubo ng umubo. Tumakbo kaagad si Hero papunta kay Harold. "Anong nangyayari?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Lumingon sa akin iyong doctor at ngumiti. "Sorry po ma'am. Nasira po iyong monitor namin para sa heartbeat. Luma na kasi," kakamot kamot sa ulong sabi ng doctor. Halos patakbong lumapit ako kay Harold. Si Hero ay halos gusto